13 mga estudyante ang patay sa nangyaring aksidente sa Tanay Rizal






Tanay Rizal, Labingtatlo ang kumpirmadong patay nang bumangga kaninang alas-8:40 ng umaga ang isang tourist bus galing Quezon City sa poste ng kuryente sa bisinidad ng Magnetic Hill, Peligrino Farm, Sitio Bayukan, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal.


Ayon kay Bong Bati, administrative officer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Tanay, Rizal. Sampu ang dead on the spot, samantalang ang tatlo naman ay sa ospital na binawian ng buhay.


Ang mga bangkay ay nasa San Isidro Funeral Homes, ayon kay Bati.


Estudyante ang mga nasawi, ayon kay Engineer Carlos Inofre, hepe ng Tanay Disaster Risk Reduction and Management Office, sa naunang panayam sa DZMM TeleRadyo, kung saan sinabi ni Inofre na 10 ang patay.


Tatlo sa mga sugatang pasahero ang nailipat na sa Amang Rodriguez Medical Center, pito sa Tanay General Hospital, isa sa Tanay Community Hospital at 17 ay nasa Rizal Provincial Hospital naman.
Critically injured ang driver ng bus, sabi ni Inofre.




 Ang bus na inarkila mula sa Harana Tours at nasa 50 ang sakay ay may plakang TXS 325.
Ilan sa mga sugatan ay nasa provincial hospital ng Rizal at isa pang ospital sa Tanay. Pero hindi pa masabi ni Inofre ang kabuuang bilang ng mga sugatan.


Nawalan ng preno ang bus, at pagtama sa bakal ang sinasabing ikinasawi ng mga biktima, ayon kay Inofre.


Papunta sana sa camping sa resort sa Tanay ang mga sakay ng bus na pawang mga estudyante ng Bestlink College sa Novaliches.

via: AbsCbn

0 comments:

Mag-post ng isang Komento

 

Online

Blogroll

About