17 anyos na Dalaga sa Masabate ginahasa, Ang suspek Tiyuhin ng Biktima

MAYNILA, Pilipinas – Isang malagim na kamatayan ang sinapit ng isang menor de edad na dalaga sa kamay ng kaniyang sariling tiyuhin sa Masbate nitong nakaraang Araw ng mga Puso.



Ayon sa ulat ng Starnews Masbate, ginahasa umano ang biktimang nakilalang si Mariah Aira Poe y Dalanon, 17-anyos at Grade 10 student ng Alejandro Delos Reyes Integrated High School (ADRIHS) noong Pebrero 14.

Itinapon pa ang bangkay ng kawawang dalaga sa putikan sa ilog sa Purok 6 ng Brgy. Cagay kung saan nakatira ang kanilang pamilya .

Naaresto naman kaagad ang suspek na nakilalang si Amador Dalanon Cos, 32-anyos, residente rin ng kaparehong barangay at kapatid mismo ng ina ng biktima.



Kuwento ng ina ng dalaga na si Rovelyn Dalanon, huli nilang nakitang buhay si Mariah bandang alas-5 ng hapon noong Martes, subalit hindi na ito nakauwi.

Kaagad namang ini-report sa pulisya ang pagkawala ng dalaga kinabukasan, Pebrero 15.

Subalit umaga na ng Pebrero 16, Huwebes, nang matagpuan ang bangkay ni Mariah na nakasubsob sa putikan malapit sa ilog.

Agad na naaresto ang suspek ng mga pulis at barangay tanod. Kaagad ding umamin ito sa krimen, ayon kay SPO1 Arlene Jones, hepe ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Masbate City.

Ayon kay Amador, sinakal niya umano ang pamangkin at pinagsamantalahan ito kahit wala nang buhay.

Kasalukuyang nakakulong na ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong rape with homicide.


via: StarNews

0 comments:

Mag-post ng isang Komento

 

Online

Blogroll

About